Babae Ka By A. Montano

 ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A

BLOG #4


Babae Ka

By A. Montano


Babae ka, hinahangad, sinasamba

Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya.

Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan

Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam.

Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban

Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo laging nakasara

Harapin mo, buksan mo

Ibangon ang iyong pagkatao


Babae ka.

Kalahati ka ng buhay

Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla?

Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban

Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan.

Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad

Harapin mo, buksan mo

Ibangon ang iyong pagkatao


Babae ka.

Dahil sa akala ay mahina ka

Alaga mo ay di nakikita

Bisig mo man sa lakas ay kulang

Ngunit sa isip ka biniyayaan

Upang ang tinig mo’y maging mapagpasya

Upang ikaw ay lumaya

Lumaban ka, babae may tungkulin ka

Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain.



Pagtataya

1. Paano inilarawan ang babae sa awit?

Base sa awit, ang babae raw ay mahina, hindi kayang mamuhay ng mag-isa at mababa ang pagtingin ng mga tao sa mga kababaihan. Dagdag pa roon ang babae ay walang karapatan sa lahat ng bagay, hindi ito malaya sapagkat wala itong alam sa buhay. Pero sa kasalukuyan kaya ng mga babae na makipagsabayan sa mga lalaki. Kaya nilang maging lider o mamuno gaya ng lalaki. Nagiging matatag ang mga kababaihan kapag sila ay nasasaktan at mayroon silang pinaghuhugutan ng lakas ng loob para lumaban sa mga bagay at buhay. 


2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

Hindi ako sang-ayon, sapagkat kaya ring gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalaki. Ang mga kababaihan ay matalino at magaling dumiskarte para sa kanilang mga minamahal. Sila ay nagsasakripisyo upang hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Kailangan nilang maging matapang at matatag para sa pagbabago.


3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

Nagpapatunay na kaya ng mga babae ang ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan sa pamamagitan ng kanilang pagiging matatag, tiwala sa sarili at sa Diyos na kung saan ang lahat ng kanilang dinaranas na mga pagsubok ay kanyang  nalalagpasan. Isa na rin dito ang kanilang lakas na loob na kung saan naipaglalaban nila ang kanilang karapatan at kalayaan.


4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

Ang payo ng may-akda ay patuloy na lumaban at harapin ang anumang pagsubok na dumating sa kanilang buhay. Matuto silang ipagtanggol ang kanilang sarili sa kahit ano mang diskriminasyon na kanilang matanggap.


5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

Sapagkat ang kababaihan noon ay hindi binibigyan ng kalayaang mamuhay marahil sa kanilang pag aakala na ang babae ay mahina at sa buhay ay walang alam. Ngunit ngayon, hindi na umiiral ang ganitong akala sapagkat maraming babae ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makapag hanap ng maganda at disenteng trabaho, maibigay lang nila ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyan ay wala ng bias kung ano ang iyong kasarian para sa trabaho dahil meron na itong batas na tinatawag na Magna Carta for Women dahil dito mas nakakatulong ito para makita ang mga kayang gawin bilang babae at may karapatan makapag trabaho kahit ito ay trabaho ng lalaki.


Mungkahing Gawain

1. Sa loob ng kasunod na kahon,  gawan ng concept map ang salitang babae.




Comments

Popular posts from this blog

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales