Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

 ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A

BLOG #1


Isang Dipang Langit

ni Amado V. Hernandez


Ako’y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko’y piitin,

katawang marupok, aniya’y pagsuko,

damdami’y supil na’t mithiin ay supil.


Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.


Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.


Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi’t walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo’y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.


Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.


Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang

sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;

kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.


At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

bilangguang mandi’y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.


Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita’y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.


Ang tao’t Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya’y may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay…

layang sasalubong ako sa paglaya!


Bartolina ng Muntinlupa- Abril 22, 1952



1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.


•Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop 

gamitin sa pagsusuri?

Ang "Isang Dipang Langit" ay isang Tulang Elehiya dahil ito ay nagsasabi ng matinding kalungkutan. Masusuri natin ang kwentong ito sa pamamagitan ng Teoryang  Realismo dahil ito ay tumutukoy sa katotohanan na nangyayari sa reyalidad at hindi puro kagandahan lamang, halimbawa na lamang sa tulang "Isang Dipang Langit" ito ay tungkol sa isang taong nabilango sa kasalanang hindi niya naman ginawa at alam natin mismo na si ginoong Amado V. Hernandez ang nakaranas nito. Hirap, hinagpis ang kanyang pinagdaanan bago natamasa ang kalayaan. Kung iisipin nating nangyari ito sa panahon noon ay posible rin na mangyari ngayon.


•Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.

Ang diwa/tema ng tula ay nagtataglay ng pagdurusa at labis na kalungkutan dahil ang persona ay nag titiis sa kasalanang di niya naman ginawa


•Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung 

bakit mo ito napili.

Para sa akin, ang ikalimang saknong ang aking nagustuhan sapagkat dito isinalaysay  ang matagumpay niyang  pagkalaya at tuluyang nalagpasan at iniwan ang madilim niyang karanasan.


2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.


Si Amado V. Hernandez ay isang huwarang manunulat ng ating bansa. Marami na siyang na isulat na kapupulutan ng aral sa pang araw-araw nating pamumuhay. Hindi lang siya basta manunulat sapagkat siya din ay isang lider at huwarang tagapagtanggol ng ating kalayaan. Ginamit niya ang sining ng panitikan upang labanan ang ating paglaya.


3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado 

Hernandez.

•Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.


" Isang Dipang Langit " 

by Amado V. Hernandez 

( maikling kwento )


Sa isang bayan may nakatirang isang ginoo na ubod ng bait at masipag, siya ay kilala sa kanyang lugar bilang isang matulungin at responsableng tao. 


Ngunit iyon ay naudlot nong siya ay inakusahan sa isang kasalanan na hindi niya naman ginawa. Ang kanyang buhay ay nag dilim. Karahasan, hirap, labis na lungkot ay kanyang dinanas sa loob ng rehas, wala siyang magawa sapagkat kapag siya ay manlaban siya ay may pag lalagyan.


Nang dumaan ang taon, kanya ring natamasa ang kalayaan na matagal na dapat niyang nakuha. Lubos ang kanyang galak at luha'y makikita sa kanyang mga mata. Sinabi niya sa kanyang sarili "sa wakas ako'y malaya na".

Comments

Popular posts from this blog

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales