Posts

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

  ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #5 Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat Ang pagiging bakla ay habambuhay na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. papasanin mo ang krus sa iyong balikat habang naglalakad sa kung saan-saaang lansangan. ‘Di lagging sementado o aspaltado ang daan, madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap o ang bulung-bulungan at matutunog na halakhak ‘Di kailangang lumingon pa, ‘di sila dapat kilalanin sapagkat sila’y iba’t ibang mukha: bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o ‘di-kakilala. Sinong pipigil sa kanila? Hindi ikaw. Anong lakas ang mayroon ka para tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong mga palad at iyong paa’y ipinako nang lipunan sa likong kultura’t tradisy...

Babae Ka By A. Montano

Image
  ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #4 Babae Ka By A. Montano Babae ka, hinahangad, sinasamba Ipinagtatanggol, ikaw nama’y walang laya. Ang daigdig mo’y lagi nang nasa tahanan Ganda lang ang pakinabang, sa buhay walang alam. Napatunayan mo, kaya mong ipaglaban Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan. Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo laging nakasara Harapin mo, buksan mo Ibangon ang iyong pagkatao Babae ka. Kalahati ka ng buhay Kung ikaw kaya’y wala saan ang buhay ipupunla? Pinatunayan mong kaya mong ipaglaban Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan. Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad Harapin mo, buksan mo Ibangon ang iyong pagkatao Babae ka. Dahil sa akala ay mahina ka Alaga mo ay di nakikita Bisig mo man sa lakas ay kulang Ngunit sa isip ka biniyayaan Upang ang tinig mo’y maging mapagpasya Upang ikaw ay lumaya Lumaban ka, babae may tungkulin ka Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain. Pagtataya 1. Paano inilarawan ang babae sa awit? Base sa awit, ang b...

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ

ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #3 SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) Pagpatay ng tao? Sanayan lang ‘yan pare. Parang sa butiki. Sa una siyempre Ikaw’y nangingimi. Hindi mo masikmurang Tiradurin o hampasing tulad ng ipis o lamok Pagkat para bang lagi ‘yang nakadapo Sa noo ng santo sa altar At tila may tinig na nagsasabing Bawal bawal bawal ‘yang pumatay. Subalit tulad lang ng maraming bagay Ang pagpatay ay natututuhan din kung magtitiyaga Kang makinig sa may higit na karanasan. Nakuha ko sa tiyuhin ko kung paanong balibagin ng tsinelas O pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa aming kisame At kapag nalaglag na’t nagkikikisay sa sahig Ay agad ipitin nang hindi makapuslit Habang dahan-dahang tinitipon ang buong bigat Sa isang paang nakatingkayad: sabay bagsak. Magandang pagsasanay ito sapagkat Hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot Ang buo’t bungo ng lintik na butiking hindi na makahalutiktik. (Kung sa ...

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan

Image
  ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #2 Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan  Mahigit isang dekada na kaming nakatira sa squatters’ area malapit sa Batasang Pambansa sa may Commonwealth, Quezon City. Noon ang mga bahay ay kakaunti pa lang at halos puro talahiban ang kapaligiran. Nang mga nagdaang taon ay parang mga kabute na nagsisulputan ang mga bahay rito. Hindi lang basta maliliit na bahay kundi mga naglalakihan na parang mansion.  Ilang beses na rin na nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero hindi nagtatagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban ng mga nakatira rito. Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag-usap sa may katungkulan. Pero sabi ko sa sarili ko ay mahihirapan na ang gobyerno na mapaalis na ang mga tao kahit na ang iba ay gusto nang umalis tulad ko. Ang dahilan kung bakit hindi kami makaalis ay dahil wala rin kaming maayos na malilipatan. Nangako ang gobyerno...

Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

  ALBENTO, NEIL JOHN V.  BSCRIM 2A BLOG #1 Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang ...